Oh, Yeah!
By Pedro Luzano (30 January 2010, Pangasinan)
Maraming taon ang lumipas, kami'y muling nagkita
Classmate ko sa elementarya, galing palang America.
Nang makasalabung ko sa palengke, sosyal ikanga
De kuwintas na suot, naka-sunglasses pa!
Sumigaw ako ng, "Pedro!" dahil excited ako
Makita ko siyang muli, musta na classmate ko.
Sabi ba naman sa akin, Juan ikaw ba yan?
Oo, sagot ko, ako nga, si Juan ito.
Sabi sa akin ni Pedro, "Been a long time pare ko."
Slang na slang ang dating, americanong-americano.
Musta na ang balikbayan, asensado ka na ha, Pedro.
"Ehem, Juan, you call me Peter, not Pedrow."
Niyaya niya ako agad marmeryenda sa fastfood
Kako, "Ay o sige Pete, basta libre mo dude!"
Isang oras kaming nagkuwentuhan tungkol sa buhay-buhay
Ngunit napansin ko, siya lang ang aking pinapakinggan.
Sabi niya sa akin, "You know Juan, I'm so happy to see you."
I've been married to Americana, you know yeah?
Sa tagal ko sa US, I can't speak Tagalog good
Baka nga umuwi akow agad 'coz of my business dude.
Kako naman sa kanya, ako ngayo'y may bagoongan
Napundar ko ng ilang taon, sariling sikap lang.
Sabihin mo sa akin kung kelan uwi mo sa US
Ipagbabalot kita, specialty kong bagoong na boneless.
"Oh yeah, Juan, that's really nice to hear
But you know my friend, bagoong I cannot bear
The malansang amoy, parang spoiled yeah?
Sa States, I have enough sauce, teriyaki you know yeah?"
Di ako kumibo, ngisi ko parang aso
Kako naman, "it's okey my friend, I understand you.
If you want I will visit you, I will bring bilo-bilo
That is not malansa, ok yun you know."
"Oh yeah, bilo-bilo, I like that men."
With camote cue, banana cue, gulaman at sagow!
I thought alam nga niya ang pagkaing bilo-bilo
Mukhang nakalimutan na ni Pedro ang pagkain dito.
Tumigil na rin ako sa kaka-offer kay dude
Kasi di na siya hiyang sa Filipino classic food.
Ok lang naman, happy na rin ako
Nakita ko si classmate, nakilala pa ako.
Matapos ang kuwentuhan, nagpaalam na siya
"I have to go men, I still have a meeting.
I'll see you again next time, just give me a ring."
Sumakay siya sa auto, gara ng limousing.
Mula noon ay di na kami nagkita
Kako sa sarili ko, baka naging busy na.
Pero iniisip ko ngayon, ganun ba talaga?
Pag galing ka ng America, "oh, yeah" ka ng "oh, yeah"?
Nagkamot ako ng ulo habang naglalakad
Kasi si Pareng Pete, iba na ang tangkad.
Ulam namin araw-araw sa elementarya'y bagoong
Bakit biglang malansa na panlasa ni Pedrong.
Pag-uwi ko sa bahay, kinuwento ko sa aking maybahay
Na nakasalubong ko si Pedro, sa fastfood kami tumambay.
Sylvia, ganun ba talaga, kapag nagpunta ka ng America
Pagbalik mo ng Pinas, dapat iba ka na?
Ang aking butihing asawa ang gumising sa tanong ko
"Juan, makinig ka, sasabihin ko sayo ang nakikita ko.
Karamihan sa ating kababayan, minsan nakakalimutan
Ang buhay na pinagmulan dahil sa karangyaan.
Sino nga bang mawiwili sa bagoong na malansa
Kundi mga taong nagsikap at nagtiwala sa kultura.
Kung malalim ang pinagmulan ng sikap at tiyaga
Masasabi mo rin sa aking, "Sylvia, oh, yeah?"