Read About

It is a compilation of Filipino Poetry depicting real-life and sensational situations affecting Filipino lives. These were written for the sole purpose of waking up the ideals and shaking the nerves of Filipinos inside and outside the Philippines. Batu-bato sa Langit is a prominent Filipino proverb, which means that whoever is affected by the contents of these poetries may react against it. But the writers placed these facts with symbolism and passion to deliver the realities of today.


"Lugaw Para sa Bata" is a small project from Team Kabsat in Pangasinan who aimed to give Lugaw as breakfast to few children in the province of Pangasinan in the Philippines. United with the heart of service and Filipino thoughtfulness, Team Kabsat decided to serve Lugaw to children ages 4 to 12 on selected areas to atleast minimize hungerproblem especially to small children. As of the moment, Team Kabsat shall feed only 100 children every month as that number is, as of the moment, the possible count that they can serve. However, Team Kabsat is looking forward that the Lugaw Project shall not only serve 100 children every month but more children are expected to be reached with this small project. read more



   


(POETRY)
BATU-BATO SA LANGIT;
TAMAA'Y WAG MAGAGALIT

 
 

Pasalubong ng Balikbayan
By Pamilyang OFW (20 February 2010, Jeddah)

Lumabas ako ng Pinas upang maghanap-buhay
Para may maipadala sa pamilya ko sa Albay.
Pagkatapos ng dal'wang taon, ako ay nagbalik
Ang tingin nila sa akin, balikbayan, one click.

Unang araw pa lamang ng aking pagbabalik
Isang buwan kong sahod, nawalang parang pitik.
Di naman ako nakatanggi, 'pagkat ako ay sabik
Sa aking kamag-anak, dating tingin sa 'kiy putik.

Kako sa 'king maybahay, 'wag tayong mag-imbita
Wala namang okasyon, baket parang fiesta?
Naiintindihan ko, sila'y sabik makita ako
'Yun nga ba'y totoo? O mali hinala ko.

Dumaan ang mga araw, ubos na ang pasalubong
Parang ang dami ng tao'y unti-unti ng paurong.
Bakit nga ba sila lalapit, wala na akong maiabot
Halos di pa sapat, dahil dala ko'y kakarampot.

Minsan ako'y nangailangan tulong ng kapitbahay
Nasunog ang aking bahay, asawa koy nahimatay.
Sa aking pagtataka, ni isa walang lumapit
Sa silong ng mangga, doon ako'y kumapit.

Paglipas ng mga araw, aking naitayo
Munting kubong masisilungan, ok na ako.
Kapitbahay koy pinakiusapan kung puede manghiram,
Isang kilong bigas lamang, dahil ako'y naubusan.

Galing daw akong Saudi, bakit ako'y umuutang
Kung gusto ko daw ay 5-6, dalawang kilo kong ibabalik.
Gusto ko umiling, ngunit sige kinuha ko na rin
Kinaumagahan, bigas ay bayad na rin.

Gusto ko sumigaw, parang wala akong kakampi
Bakit noong ako'y balikbayan, lahat sila'y sumapi
Ngayong ako ang nangailangan, para silang mga bingi
Walang naririnig, pakiusap ko ma'y malaki.

Aking napagtanto-tanto, para akong naloko
Ng mga taong walang alam kundi manggantso
Isa lamang itong payong kapatid
Kapag ika'y umuwi, ingat sa papuri.

Pangalan mo'y mabango 'pag sila'y bigyan mo
Pasalubong galing Saudi lalo na pabango
Puro sila papuri sa libreng alay mo,
Kapag ika'y nawalan, 5-6 kalaban mo.

Makaraan ang isang taon, balik Saudi uli ako
Magbubuno ng balat, pawis, at dugo.
Mag-iipon ng tama para sa pamilya ko
Para pagbalik ko'y di magmukhang gago.

Pag-aaraling mabuti ang aking mga anak
Nang sila ay magtapos, sa kurso nilang balak
Kami man ay magkalayo ng pamilya kong irog
Tatlong beses isang araw, sila'y aking mabubusog.

'Pag dumating ang araw ako'y magbalikbayan
Magalit na ang magalit pero wala akong bibigyan
Ang hirap ko't pawis, sa pamilya lamang ibubuwis
Dahil sila ang dahilan ng aking paglisan.

Tumaas man ang kilay ng aking kamag-anakan
Itakwil man ako ng aking mga kapitbahay
Patawarin ako ng Diyos, hindi ako magbibigay
Madamot na kung madamot, bahala sila sa kanilang buhay.

Natuto na ako, hindi kumilala
Ng salitang pasalubong, hindi na uubra.
'Pag ako ang nawalan, wala akong katuwang
Kung di sarili kong lakas, sikap, at laman.

Mga kababayang naiwan sa Pilipinas
Mahirap man ang buhay, matuto kayong magsikap.
'Wag aasa sa pasalubong ng isang balikbayan
Hindi habang-buhay na sila'y nandiyan.

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 




 

 

About Us
Privacy Policy, Terms, and Conditions.
For inquiries and submission of articles, mail to info@pinoysignal.com
©2010 All Rights Reserved.
www.pinoysignal.com.