Pa'no Maghugas ng Pwet?
By Kara Damasco (12 December 2009, Europe)
Sa isang lupaing aking narating
Ubod sa ganda, nakakahalina.
Ngunit isang bagay, aking napansin
Yokong tanungin, ito kaya ay "in"?
Simulan natin sa hapag-kainan,
Tinidor at kutsilyo, wow, sosyal naman.
Sa lugar na ito, di uso ang maid
Kubyertos na ginamit, automatic ang aid.
Kapag sila'y nabusog, derecho sa kubeta
Kubetang kay ganda, nakakaginhawa.
Pag-up sa ilyedoro, fresh'ner kay bango
Pwede mong sabihing, bango ng ebak mo.
Kahit isang milya, lubid nilang tae
La namang amnesia, hugas p'wet matapos umere.
Ako'y nagugulantang, parang na-culture shock
Tatlong punit ng tissue paper, sa p'wet isasalpak?
Di ko maintindihan, ang p'wet ba'y nalinisan?
Kapirasong papel lamang, parang di napahiran.
'Pag ang mamang ito'y kumain ng mangga't mane
Tiyak isang rolyong papel, di sapat sa sabog niyang tae.
Bago sila matulog, hugas-hugas ng katawan
Importante sa lahat, ipin nila'y malinisan.
Una kong naisip, minsa'y aking nabasa
Mas marumi daw, bibig kesa p'wet na basa.
Di kaya pwedeng pagpalitin, proseso sa paglilinis
Tissue paper na lang kaya, sa ipin ikiskis
Pwede bang tubig din panghugas sa p'wet natin
At 'wag kapirasong papel, ang amoy andun pa rin.