Read About

It is a compilation of Filipino Poetry depicting real-life and sensational situations affecting Filipino lives. These were written for the sole purpose of waking up the ideals and shaking the nerves of Filipinos inside and outside the Philippines. Batu-bato sa Langit is a prominent Filipino proverb, which means that whoever is affected by the contents of these poetries may react against it. But the writers placed these facts with symbolism and passion to deliver the realities of today.


"Lugaw Para sa Bata" is a small project from Team Kabsat in Pangasinan who aimed to give Lugaw as breakfast to few children in the province of Pangasinan in the Philippines. United with the heart of service and Filipino thoughtfulness, Team Kabsat decided to serve Lugaw to children ages 4 to 12 on selected areas to atleast minimize hungerproblem especially to small children. As of the moment, Team Kabsat shall feed only 100 children every month as that number is, as of the moment, the possible count that they can serve. However, Team Kabsat is looking forward that the Lugaw Project shall not only serve 100 children every month but more children are expected to be reached with this small project. read more



   

ENCOUNTER WITH FOREIGNERS
 
 

Nilait ako ng biyenan kong Kano
By Sabina (October 2009, California)

Sa Mga Kapwa Kong Pinay,

Nakapag-asawa ako ng isang Kano. Biyenan ko mga kano din. I should tell you what happened to me para naman ma-strengthened tayong lahat.

Bago pa mandin ako ikasal sa asawa ko, ayaw na sa akin ng biyenan kong lalaki. Tawag ko nga sa kanya, biyenan kong kano. Tinawagan ang asawa ko nung asa Pilipinas siya para sabihin ba namang, bakit mo pakakasalan yang babaeng yan? Hindi mo ba alam na siya'y isang Filipina? (Oh?! Sohw??? Ano ngayon kung Pinay pala ako? Mamamatay kano ba ako, este, mamamatay tao ba ako?)

Tubig lang ang karga ng utak ng babaeng yan, sabi daw ng tatay niya. Kako naman sa sarili ko, etong matandang 'to may pagkabionic-eyes din ano, pati karga ng utak ko nakikita pala niya. Iniisip ko tuloy, butas ba ulo ko? Sabi ko naman sa asawa ko, "It's up to you darling if you see me the way your father sees. He is not the person I would marry either." Sabi ng asawa ko, never mind my dad. Ay, bongga. In short nagpakasal kami. Nakarating ako ng America at kahit kumukulo mga tubig sa kokote ko ay full smile pa rin ako sa biyenan kong kano.

Unang araw ng aming pagkikita ng biyenan kong kano. Sabi niya sa akin, "Liza, which wine do you like? Red or white?" Kako naman (para hindi naman siya mapahiya), "Red, papa, thank you. (smile pa rin ako)"

He took me a glass of wine at sabi sa akin, "This is a red wine which you can never find in the Philippines. You taste it so you have something to say." Muntik ko ng sabihin, wala namang pinagkaiba ito sa lambanog natin sa Pinas. Sagot naman ako, "Oh good. It tastes good. Maybe Americans have better wines than any other...(hindi pa ako tapos magsalita sumabat na ang matanda)." Exactly! Sabi niya.

Hinayaan ko na lang siya magself-praise sa mga bote ng alak niya.

Pinipilit pa rin ng asawa ko mailapit ako sa biyenan kong kano. Kako naman, i will try lang pero 'wag naman araw-araw sana. Como kararating ko, sige pinagbigyan ko na ang asawa ko. Eto na naman ang biyenan kong kano, nilait na naman tayo (isama ko na kayo ha, pinoy tayo eh). "Liza, cum ov'r here! I want to speak to you about the news yesterday." (Naku, ano na naman kayang panget na balitang 'to, smile Liza, smile lang.) "Do you know these poor Filipinos who know nothing but to steal from their neighbors?" Eto sagot ko, "No, I don't know them! What about them, Papa???" Sabi niya, "I never saw good things about these poor Filipinos. They are dirty. They steal from others. They think they are the best but they know nothing. They have air in a nutshell." Gusto ko nang maglupasay at umiyak. Ang saket naman manglaet ng mamang 'to. Eh ano ngayon kung magnanakaw pala tingin niya sa Pinoy, ninakawan ba siya? Dinumihan ba siya? Nakita ba niya, ha??! Gusto ko na magalit sa biyenan kong kano pero poise pa rin ako. Sinagot ko siya ng prangka, mata sa mata: "This I like to tell you Papa. I am also a Filipino. Have you seen me steal things from you? Have you seen me so dirty that you almost don't like to speak to me? Have you seen me do bad things against you?" Sagot niya, "No." Kako sa kanya, "Then let me prove to you that not all Filipinos are the way your mind can think or the way your brains can perceive. I didn't steal your son, in fact we got married because we love each other. I never stole anything from you." Wa siya emek, neng. Tameme ang lolo mo.

Shortcut ko na ang kwento ko. Hindi ko pa rin talaga mapa-belib ang biyenan ko. Sohw??? Wala na ako magagawa diyan. Hanggang isang araw, may diariong dumating sa bahay ng biyenan ko. Ipinatawag kaagad ako. Kako sa sarili ko, ano na naman kayang panlalait aabutin ko nito. Isinalpak sa mga kamay ko ang diario, unang nakita ko, pangalan ko, writer kuno. Sa dami daw ng pangalan, bakit magkapangalan kami. Kako naman, "Papa, that's me." Hindi daw niya alam na writer pala ako. Kako naman, hindi ko kailangang ipagkalandakan 'yan. Inantay ko talaga ang pagkakataong 'yun at tingnan ko lang hanggang saan ang panglalait ng biyenan kong kano.

Hindi na kumibo ang matanda. Tinitigan ako mula ulo hanggang dumi ng dapan ko. Ako naman si loka-loka, graceful exit sa bahay niya. Minsan kailangang matinding bagay ang marating mo para lang ipaalala mo sa kapwa mo na hindi tubig laman ng utak mo. Nilait-lait-lait man ako ng biyenan kong kano, ok lang. Sino kaya ngayon ang dapat laitin pagkatapos kong maipublish ang kuwentong 'to? Hmpt sa lahat ng mga manlalait. Kaya kayong mga Pinay, itaas niyong kili-kili niyo, 'wag kayong mahihiya kahit kanino. Mabuhay tayo! Mamatay sila sa amoy!

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 




 

 

About Us
Privacy Policy, Terms, and Conditions.
For inquiries and submission of articles, mail to info@pinoysignal.com
©2010 All Rights Reserved.
www.pinoysignal.com.